Posts

Showing posts from April, 2022

Tekstong Prosijural

Image
 

Tekstong Impormatibo

Image
 

Tekstong Agumentatibo

 Epekto ng Digmaang Russia at Ukraine sa buong mundo      Maraming tao ang hindi sinasang ayunan ang Russia sa walang saysay na pananakop nito sa bansang Ukraine at isa na roon ako. Marahil itong pananakop na ito ay nagdudulot lamang ng maraming problema. Di lamang sa karatig bansa ng Russia ang nakakaramdam ng epekto nito, sa katunayan buong mundo ay nakakaramdam na ng masamang naidudulot nito. Kailangang itigil na ito sapagkat nagdudulot lamang ito ng samu’t saring problema na ating kakaharapin sa nalalapit na panahon.      Malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya sapagkat ang Russia ang isa sa pinakamalaking oil exporters sa buong mundo ngayon. Ayon sa nakuhang data, 8% ng pandaigdigang supply ng langis ang nanggagaling sa bansang Russia. Maraming bansa ang pinapatawan ng parusa ang Russia, halimbawa hindi nila pinapayagan ang Russian tankers na dumaong sa kanilang daungan. Dahil rito posibleng tumaas ang petrolyo sa buong mundo at kapag tumaas ang petrolyo maaari ring tum

Pamanatayan sa Pagmamarka - Sanaysay

 Kabataan      Napakasarap pakinggan at isipin na "Kabataan ang pag-asa ng bayan." Ngayon ay maaari pa bang umasa ang mga tao para sa kanila? Maraming kabataan ang naliligaw. Lulong sa droga, tamad mag-aral, masama ang ugali, at minsan nasangkot pa sa krimen. Sa paglipas ng panahon, nawawalan sila ng respeto sa paaralan at maging sa tahanan. Hindi na nila iginagalang ang mga guro, ang kanilang mga magulang, at maging ang paggamit ng "po at opo" ay nakalimutan na nila.      Masisisi ba natin sila kung sila ay mga nalulong sa masamang bisyo at napabayaan ng kanilang mga pamilya? Dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak, ngunit paano nila maibibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak kung hindi sapat ang kanilang kinikita para itaguyod ang kanilang pamilya sa araw-araw?       Sapagkat sa lahat ng problema sa ating komunidad, ang edukasyon ay isang malaking problema sa ating lipunan. Para sa ating mga magulang, edukasyon ang tanging kayamanan na mai

Tula tungkol sa Pulitika

Disiplina Gobyerno, politiko at ang korapsyon,  Ito’y ang mga problema ng ating nasyon,  Marami rito ang hindi sumasang-ayon,  Sapagkat ang mga pangako’y nababaon,   Ang mga problema ng ating lipunan,  Paano natin ito sosolusyonan,  Kung ang taong bayan ay ninanakawan,  Paano nga ba natin ito wawakasan, Walang disiplina ang problema ng lipunan,  Ito’y ang malalang problema ng nasyon, Wag ka makisabay sa nakagawian,  Ito ang solusyon sa ating lipunan.

Preliminaryong Gawain sa Pagsulat

Image
 

Pagsasaling Wika

Image
 

Pangkatang Gawain - Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

Image

Unang Gawain

Image
  Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko, Palay, bigas, lusong, at halong pambayĆ³, Kung inaakalang ililigaya mo, Laban man sa puso’y handog ko sa iyo…   Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit, Sampun ng baro kong lampot at gulanit, Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib, Kami ma’y lamunin ng init at lamig…   Datapwa’t huwag mong biruin si Ina! Huwag mong isiping sapagka’t api na, Ang Ina ko’y iyong masasamantala… Si Ina ang aking mutyang minamahal, Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan; Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y… patay! Ito'ng aking iginuhit ay ang unang pumasok sa aking isipan habang binabasa ang tula. Dahil ang palay ang kumakatawan na ina sa tula at ang bigas naman ang kumakatawan na anak. Kapag namatay ang palay ay wala tayong makakain, ayun ang pinupunto ng tula.