Tekstong Agumentatibo
Epekto ng Digmaang Russia at Ukraine sa buong mundo
Maraming tao ang hindi sinasang ayunan ang Russia sa walang saysay na pananakop nito sa bansang Ukraine at isa na roon ako. Marahil itong pananakop na ito ay nagdudulot lamang ng maraming problema. Di lamang sa karatig bansa ng Russia ang nakakaramdam ng epekto nito, sa katunayan buong mundo ay nakakaramdam na ng masamang naidudulot nito. Kailangang itigil na ito sapagkat nagdudulot lamang ito ng samu’t saring problema na ating kakaharapin sa nalalapit na panahon.
Malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya sapagkat ang Russia ang isa sa pinakamalaking oil exporters sa buong mundo ngayon. Ayon sa nakuhang data, 8% ng pandaigdigang supply ng langis ang nanggagaling sa bansang Russia. Maraming bansa ang pinapatawan ng parusa ang Russia, halimbawa hindi nila pinapayagan ang Russian tankers na dumaong sa kanilang daungan. Dahil rito posibleng tumaas ang petrolyo sa buong mundo at kapag tumaas ang petrolyo maaari ring tumaas ang mga produktong atin kinakailangan sa pang araw araw sapagkat naapektuhan nito ang pagttransport ng mga produkto.
Maaaring maapektuhan ang mundo ng Engineering sapagkat isa narito ang paggamit ng krudo upang mapadali ang pagdadala ng mga materyales na kinakailangan upang makapag tayo ng isang istruktura. Isa na rin rito ang pwedeng pagtaas ng presyo ng materyales sapagkat tumataas ren ang presyo ng petrolyo na ginagamit upang makabuo ng mga materyales na kinakailangan natin. Dahil dito pwedeng tumaas ang kinakailangang puhunan upang makabuo ng isang istruktura. Malaki ang magiging epekto ng digmaang Russia at Ukraine sa mundo ng Engineering sa lahat ng bansa. Ngayon pa lamang ay nararamdaman na natin ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, paano pa kaya kapag tumagal pa ito ng tumagal, Ano na kaya ang mangyayari sa ating ekonomiya.
Comments
Post a Comment